Joni Villanueva, panalo sa toss coin bilang alkalde ng Bocaue Bulacan

Screengrab mula sa social media account ni Joni Villanueva
Screengrab mula sa social media account ni Joni Villanueva

Matapos ang isinagawang best of five na toss coin, panalo bilang alkalde ng Bocaue Bulacan si Joni Villanueva.

Isinagawa ang toss coin matapos maging tabla sa bilang na 16,694 ang resulta ng botohan ni Villanueva at ng katunggali sa mayoralty race na si Jim Valerio.

Napunta kay Villanueva ang tail side ng limang piso matapos piliin ni Valerio ang head side ng barya.

Nagkaroon pa ng tensyon sa pagitan ng dalawang kampo matapos kwestiyunin ang nasabing proseso na anila ay maaring pagmulan ng pandaraya.

Ngunit sa ganitong sitwasyon, sinabi ng Commission on Elections Municipal Board of Canvassers na pinangungunahan ni Municipal Chairman Deogracias Danao, sa ilalim ng Comelec Resolution No. 10083 o ang General Instructions for the Board of Canvassers on the Consolidation/Canvass and Transmission of Votes, maaaring magsagawa ng draw lots upang makapagproklama ng nanalong kandidato para sa pagka-mayor kung magiging tabla ang resulta ng nakuhang boto.

Si Danao ang nagsagawa ng best of five toss coin kung saan tatlong beses na sunod-sunod lumabas ang tail side ng barya na pinili ni Villanueva

Kaninang 1:30 ng tanghali nang iproklama ni Chairman Danao si Villanueva bilang alkalde ng Bocaue.

Si Villanueva ay ang anak ni Jesus is Lord evangelist Bro. Eddie Villanueva.

Panoorin ang video ni Den Macaranas:

Read more...