Kasabay nito ang kanyang pagkondena sa mga kaso ng pagpatay sa high profile victims.
“We cannot allow ourselves to just concede the enactment of what may be called symbolic laws, treated as mere advice; treated as mere hortatory urgings, rather than as imperative commands,” banggit ni Gordon sa kanyang privilege speech.
Sinabi nito na noong nakaraang linggo, lima ang napatay, kabilang ang mga pulitiko, doktor at mamamahayag, ng riding-in-tandem killers.
Kabilang sa mga napatay sina Al-Barka, Basilan Mayor Darussalam Lajid, Dr. Raul Andutan at ang mamamahayag na si Jesus ‘Jess’ Malabanan.
Naniniwala ang senador na kung naipapatupad lang ng maayos ang isinulong niyang Republic Act 11235 o ang Motorcycle Crime Prevention Act, maiiwasan ang mga krimen na kinasasangkutan ng ‘riding in tandem.’
“RA 11235 was passed to protect the public from criminals using motorcycles. It was enacted to protect the innocent from motorcycle- laden criminals by allowing easier identification of specific vehicles used in many crimes, through the requirement of larger, legible, more identifiable license plates,” paliwanag ni Gordon.
Nabanggit niya na ngayon taon lamang, 202 na ang biktima ng riding-in-tandem criminals at 172 sa kanila ang namatay.