#OdettePH nag-landfall sa Roxas, Palawan

Muling nag-landfall ang Bagyong Odette.

Ayon sa PAGASA, nag-landfall sa Roxas, Palawan ang bagyo dakong 3:10 ng hapon.

Sa severe weather bulletin dakong 5:00 ng hapon, huling namataan ang sentro ng bagyo sa karagatang-sakop ng San Vicente, Palawan dakong 4:00 ng hapon.

Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 150 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 205 kilometers per hour.

Tinatahak ng bagyo sa bilis na 25 kilometers per hour sa direksyong Kanluran.

Dumami pa ang mga lugar na nakataas sa Tropical Cyclone Wind Signal:

Signal no. 3:
– Northern portion ng Palawan (El Nido, Taytay, Araceli, Dumaran, Roxas, San Vicente, Puerto Princesa City)

Signal no. 2:
– Central portion ng Palawan (Narra, Sofronio Española, Quezon, Aborlan, Rizal, Brooke’s Point) kabilang ang Kalayaan, Calamian, Cuyo, at Cagayancillo Islands

Signal no. 1:

Luzon:
Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, and the western portion of Romblon (Santa Maria, Odiongan, Alcantara, Looc, Santa Fe, San Jose, Ferrol, San Andres, San Agustin, Calatrava, Corcuera, Banton, Concepcion), and the rest of Palawan

Visayas:
Aklan, Capiz, Iloilo, Antique, the western portion of Negros Occidental (Cadiz City, Manapla, City of Victorias, Enrique B. Magalona, Silay City, City of Talisay, Murcia, Bacolod City, Bago City, Valladolid, Pulupandan, La Carlota City, La Castellana, Pontevedra, San Enrique, Moises Padilla, Hinigaran, Isabela, Binalbagan, City of Himamaylan, City of Kabankalan, Ilog, Candoni, Hinoba-An, City of Sipalay, Cauayan, and Guimaras

Inalis na ang storm signal sa ilang lugar.

Babala ng weather bureau, patuloy na mararanasan ang malakas na pag-ulan sa Palawan kasama ang Calamian, Cuyo, at Cagayancillo Islands

Iiral naman ang katamtaman hanggang malakas na pag-ulan sa Bicol Region, Quezon, at nalalabing bahagi ng MIMAROPA.

Mahina hanggang katamtamang pag-ulan naman ang mararanasan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora, Zamboanga Peninsula, Misamis Occidental, Lanao del Norte, at natitirang bahagi ng CALABARZON.

Sinabi ng PAGASA na habang nasa West Philippine Sea, patuloy na kikilos sa direksyong Kanluran Hilagang-Kanluran.

Maaring lumabas ang bagyo ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Sabado ng umaga o madaling-araw.

Read more...