Pag-atras nina Pangulong Duterte at Sen. Bong Go hindi na kagulat-gulat – Sen. de Lima

Matagal nang pinasasakay ni Pangulong Duterte ang sambayan at naging biktima na rin ang mga pulitiko na miyembro ng PDP – Laban party.

Ito ang sinabi ni Sen. Leila de Lima at aniya hindi na dapat ikagulat ang pagbawi nina Pangulong Duterte at Sen. Christopher Go ng kanilang kandidatura.

“Kahit sino’ng nakakakilala kay Duterte ay alam na na gumagawa lamang sila ng kuwento para pag-usapan. Kawawa lang yung mga pulitiko na ginamit nila sa Cusi wing ng PDP-Laban na, pagkatapos gamitin nina Cusi at Duterte, ay iniwan na lang sa ere,” sabi ng reelectionist senator.

Dagdag pa rin ng senadora hindi na siya magtataka kung papalitan ni Pangulong Duterte ang anak nitong si Baste Duterte, na kandidato ngayon sa pagka-alkalde sa lungsod ng Davao.

What’s his next political game? He cannot just fade away as he’s got a mountainload of sins and transgressions to answer for,” ayon kay de Lima na ang tinutukoy ay ang Punong Ehekutibo.

Read more...