‘Motorcycle-only checkpoints’ pinalagan ng commuter partylist group

Hiniling ng PASAHERO Partylist na matigil na ang hindi makatarungang ‘motorcycle-only’ checkpoints na isinagawa ng PNP.

“These checkpoints notoriously single out motorcycle riders and unfairly discriminate against them,” sabi ni PASAHERO spokesperson Atty. Homer Alinsug.

Aniya hindi lamang sila ang matagal nang naghahanap ng kasagutan sa patuloy na panghaharang sa mga motorsiklo sa mga police checkpoints.

“While four-wheel vehicles are subjected to mere visual search, motorcyclists are thoroughly subjected to unnecessary physical searches, such as physical removal of U-box contents and verification of documents,” himutok pa ni Alinsug.

Diin niya mali na ipamukha na ang mga gumagawa ng krimen ay ang mga naka-motorsiklo lamang.

Pagtitiyak nito na kapag sila ay pinalad na mahalal sa 2022 elections, itutulak ng PASAHERO ang pagpasa ng panukala na magtutuldok sa motorcycle-only checkpoints.

“If such bill is passed, then it would be a huge step towards motorcycle equality and would prevent this ultimately discriminatory practice from occurring in the future,” sabi pa ng tagapagsalita ng Passengers and Riders Organization Inc., na kumakatawan sa milyong-milyong komyuter at pasahero sa bansa.

Read more...