Tiniyak ng Palasyo ng Malakanyang na nakahanda ang iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan para sa pag-landfall ng Bagyong Odette.
Ayon kay Cabinet Secretary at acting presidential spokesman Karlo Nograles, nasa 98,091 katao na mula sa Region 7, Region 8, Region 10, at CARAGA ang inilikas.
“All hands are on deck in government’s quick response as Typhoon Odette made landfall this afternoon,” pahayag ni Nograles.
Sa pinakahuling ulat ng PAGASA, nakataas na ang Tropical Cyclone Warning Signal No. 4 sa Southern Leyte, southwestern portion ng Leyte, Bohol, central at southern portions ng Cebu sa Visayas at Dinagat Islands at Surigao del Norte kasama ang Siargao at Bucas Grande Islands sa Mindanao.
May naka-standby na pondo at family food packs na ang pamahalaan.
“The Department of Social Welfare and Development, including its Field Offices, has available disaster response standby funds and family food packs prepositioned in different strategic areas in the typhoon-affected regions,” pahayag ni Nograles.
Paalala ng Palasyo sa publiko, mag-ingat.
“We continue to remind the public, especially those in typhoon-affected regions, to take the necessary precautionary measures and cooperate with respective authorities should there be a need for immediate evacuation in your areas,” pahayag ni Nograles.