Bagyong #OdettePH, nagkaroon ng 2nd landfall sa Dinagat Islands

Screengrab from DOST PAGASA satellite image via Weather Specialist Ariel Rojas/Twitter

Nagkaroon ng pangalawang landfall ang Bagyong Odette sa kalupaan ng Dinagat Islands.

Base sa abiso ng PAGASA, naganap ang second landfall ng bagyo sa bayan ng Cagdianao bandang 3:10 ng hapon.

Base sa forecast track, patuloy na kikilos sa direksyong Kanluran Hilagang-Kanluran o Kanluran ang bagyo at maaring mag-landfall sa Dinagat Islands sa Huwebes ng hapon.

Unang tumama ang bagyo sa Siargao Island dakong 1:30 ng hapon.

Maglalabas ng abiso ang PAGASA ukol sa lagay ng bagyo bandang 5:00 ng hapon.

Read more...