Mayor Oscar Malapitan, naiproklama na bilang alkalde ng Caloocan City

Inquirer file
Inquirer file

Muling maglilingkod bilang alkalde ng lungsod ng Caloocan si Mayor Oscar Malapitan matapos siya iproklama ng Commission on Elections board of canvassers.

Naging dikit ang laban nila ng kanyang katunggali sa mayoralty race na si Caloocan City Rep. Enrico Echiverri na naging alkalde ng lungsod sa loob ng tatlong termino.

Nakuha ni Malapitan ang 62.32 percent ng mga boto sa 963 clustered precincts sa lungsod.

Bukod kay Malapitan, wagi rin ang kanyang anak na si Dale Gonzalo bilang Congressman para sa first district at si Cong. Edgar Erice para naman sa second district.

Ayon kay Malapitan, pagtutuunan niya ng pansin ang pagsugpo sa problema sa droga ng lungsod sa kanyang ikalawang termino bilang alkalde.

Aniya, gagawin niya ang lahat para maibigay ng gusto ng kanyang nasasakupan na pagbabago sa lungsod ng Caloocan.

Read more...