289 pang kaso ng COVID-19, napaulat sa bansa

Manila PIO photo

Nasa 279 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Huwebes (December 16), pumalo na sa 2,837,016 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 10,095 o 0.4 porsyento ang aktibong kaso.

3,870 sa active COVID-19 cases ang mild; 549 ang asymptomatic; 3,442 pasyente ang moderate; 1,845 ang severe habang 389 ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 47 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 50,496 o 1.78 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 380 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 2,776,425 o 97.9 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...