QC government, kinilala bilang top performing city kaugnay ng revenue generation

Kinilala ng Department of Finance (DOF) ang Quezon City government bilang isa sa mga top performing city kaugnay ng revenue generation.

Ito ay kahit na patuloy na nanalasa ang pandemya sa COVID-19.

Mismong si Quezon City Mayor Joy Belmonte ang tumanggap ng award.

Ito na ang ikalawang taon na nagawaran ng DOF ang Quezon City.

Ayon kay Belmonte, ang mataas na koleksyon ng buwis ay patunay na mayroong public trust ang taong bayan.

Pangko ni Belmonte, pagagandahin pa ang pagbibigay serbisyo sa lungsod.

Tumaas ng 14 porsyento ang koleksyon ng buwis ng Quezon City mula P19.33 bilyon noong 2019 at naging P22.04 bilyon noong 2020.

Read more...