Tumama na ang Bagyong Odette sa kalupaan ng Siargao Island, Surigao del Norte.
Base sa abiso ng PAGASA, naganap ang unang landfall ng bagyo bandang 1:30 ng hapon.
Base sa forecast track, patuloy na kikilos sa direksyong Kanluran Hilagang-Kanluran o Kanluran ang bagyo at maaring mag-landfall sa Dinagat Islands sa Huwebes ng hapon.
Matapos ito, tatahakin ng sentro ng Bagyong Odette ang ilang probinsya sa Central at Western Visayas regions bago umabot sa Sulu Sea, Biyernes ng umaga.
Sinabi pa ng weather bureau na maaring humina ang bagyo habang binabagtas ang northeastern Mindanao, Visayas at Palawan, ngunit mananatili ito sa typhoon category.
MOST READ
LATEST STORIES