Ilang residente sa Bohol, Cagayan de Oro inilikas dahil sa #OdettePH

Screengrab from PCG Facebook video

Umasiste ang Philippine Coast Guard (PCG) sa ikinasang pre-emptive evacuation sa Bohol, araw ng Huwebes (December 16).

Ito ay bilang pag-iingat sa inaasahang pagtama ng Bagyong Odette.

Nasa 40 indibiduwal, kung saan 13 ang kabataan, ang inilipat sa mainland Tubigon sakay ng Coast Guard Aluminum Boat 098 at MBCA Bandong.

Inihatid din ang mga residente sa Barangay Cogtong sa bayan ng Candijay sa pinakamalapit na evacuation center upang masiguro ang kaligtasan sa kasagsagan ng sama ng panahon.

PCG photo

Samantala, sinagip naman ng PCG District Northern Mindanao sa mga residenteng nakatira malapit sa Osmeña Creek sa Cagayan de Oro City.

Mabilis kasi ang pagtaas ng tubig-baha dulot ng naturang bagyo.

Read more...