Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na maglaan ng mas maraming oras sa pamilya kung kaya nagpasya itong umurong na sa pagkandidato sa pagka-senador sa 2022 elections.
Ayon kay Cabinet Secretary at acting Presidential spokesman Karlo Nograles, mahigit apat na dekada nang nasa serbisyo sa pamahalaan ang Pangulo kung kaya nais naman nitong gugulin ang natitirang panahon kapiling ang pamilya.
“Well, gaya ng nai-release namin na statement ‘no, unang-una, it’s because the President wants to spend time with his family after more than four decades of public service,” pahayag ni Nograles.
Sinabi pa ni Nograles na nais din ng Pangulo na tutukan ang trabaho lalo na ang pagtugon sa pandemya sa COVID-19.
“Number two, dahil po hindi na siya kandidato for any position this coming elections, he can focus now on our … more, he can focus more on the COVID response; he can focus more on safely re-opening our economy; he can focus more on continuing, if not, even stepping up more of the public service, lahat ng mga pagbabago, lahat ng mga magagandang mga programa na nasimulan niya ay kaya niya nang mas lalo pa niyang masigurado na these are all put in place and implemented towards the end of his terms as President; and more importantly na maka-concentrate na rin po siya, unhampered, on ensuring na we will have peaceful, transparent and fair elections this coming May 2022,” pahayag ni Nograles.