COVID-19 positivity rate sa QC, nasa isang porsyento na lang

Photo credit: Quezon City government/Facebook

Patuloy na bumababa ang COVID-19 positivity rate sa Quezon City.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, ayon sa ulat ng OCTA Research Group, nasa isang porsyento na lamang ang positivity rate sa lungsod.

Patunay aniya ito na epektibo ang COVID-19 response ng lokal na pamahalaan.

Ayon sa OCTA Research Group, mula 1.29 porsyento, nasa 1.11 porsyento na lamang ang positivity rate mula noong December 7 hanggang 13.

Nasa 20 na lamang ang daily new cases sa Quezon City at itinuturing na pinakamamaba simula nang pumutok ang pandemya.

Umaasa si Belmonte na patuloy na baba ang kaso ng COVID-19 hanggang sa katapusan ng Disyembre.

“As we celebrate the Christmas season, QCitizens remain observant of the basic health protocols and the importance of getting vaccinated. This then resulted in a consistent decrease in COVID-19 indicators,” pahayag ni Belmonte.

“We look forward to welcoming 2022 with renewed hope that the city and the rest of the country will recover from COVID-19,” dagdag ng alkalde.

Base sa talaan ng QC ngayong araw, December 15, nasa 257 na lamang ang aktibong kaso ng COVID-19.

Wala na rin aniyang mga lugar ang nasa special concern lockdown.

Sa ngayon, nasa 1, 872, 743 katao na ang fully vaccinated o 110.16 porsyento ng target population.

Read more...