Kaso ng COVID-19 sa mundo, sumampa na sa higit 271.74 milyon

Reuters photo

Pumalo na sa 271.74 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 271,745,504 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 51,136,442 cases.

Sumunod na rito ang India na may 34,710,630 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 22,195,775 naman ang kaso sa Brazil habang 10,932,545 ang napaulat na kaso sa United Kingdom.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Russia – 10,074,797
– Turkey – 9,080,452
– France – 8,334,133
– Germany – 6,600,511
– Iran – 6,160,303
– Argentina – 5,366,522
– Spain – 5,366,128
– Italy – 5,258,886
– Colombia – 5,097,680

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 5,337,188 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 244,314,643 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...