Training plane bumagsak sa Pangasinan, 2 sakay sugatan

BFP – ALAMINOS PHOTO

Malubha ang kalagayan ngayon ng isang flight instructor at sugatan din ang kanyang pilot-student sa pagbagsak ng kanilang trainer plane sa Alaminos, Pangasinan.

 

Base sa paunang impormasyon mula sa Civil Aviation Authority of the Phils. (CAAP) alas-9 kaninang umaga nang bumagsak ang Cessna 152-type aircraft (RP-C8202) sa Sual.

 

Ang eroplano ay pag-aari ng Fly Fast Aviation Academy.

 

Nabatid na lumipad ang eroplano alas-8:22 ng umaga para sa isang orientation flight.

 

Nagpadala na ang CAAP ng mga tauhan ng kanilang Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board para alamin ang dahilan ng insidente.

 

Hindi na muna kinilala ang dalawang biktima dahil kailangan na masabihan muna ang kanilang pamilya, ayon sa CAAP.

Read more...