Ayon sa PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 590 kilometers Silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur dakong 10:00 ng umaga.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 150 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers per hour sa direksyong pa-Kanluran.
Narito ang mga lugar na nakataas sa Tropical Cyclone Wind Signal:
Signal no. 2:
– Eastern portion ng Surigao del Norte (Claver, Siargao at Bucas Grande Islands)
– Surigao del Sur
Signal no. 1:
– Sorsogon
– Masbate kasama ang Ticao Island
– Southern portion ng Romblon (Cajidiocan, San Fernando, Magdiwang, Alcantara, Looc, Santa Fe, San Jose)
– Eastern Samar
– Northern Samar
– Samar
– Leyte
– Biliran
– Southern Leyte
– Bohol
– Cebu
– Negros Oriental
– Negros Occidental
– Siquijor
– Iloilo
– Capiz
– Aklan
– Antique
– Guimaras
– Agusan del Sur
– Agusan del Norte
– Nalalabing bahagi ng Surigao del Norte
– Dinagat Islands
– Northern portion ng Bukidnon (Malitbog, Impasug-Ong, Sumilao, Manolo Fortich, Libona, Baungon)
– Misamis Oriental
– Camiguin
– Northern portion ng Misamis Occidental (Plaridel, Baliangao, Sapang Dalaga)
– Northern portion ng Zamboanga del Norte (Dapitan City, Sibutad, Rizal, La Libertad, Dipolog City)
Babala ng weather bureau, posibleng makaranas ng mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay mabigat na buhos ng ulan sa Surigao del Norte, Surigao del Sur, Dinagat Islands, at Southern Leyte dahil sa trough ng bagyo hanggang Huwebes ng madaling-araw.
Patuloy na kikilos patungong Hilagang-Kanluran ang bagyo hanggang Miyerkules ng gabi.
Base sa forecast track, inaasahang tatama ang bagyo sa bisinidad ng Caraga o Eastern Visayas sa Huwebes ng hapon o gabi.