Sara Duterte-Carpio may anim na kandidato na sa pagka-senador

May napili na si vice presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na anim na kandidatong senador na iboboto sa 2022 elections.

Ayon kay Duterte-Carpio, ito ay sina dating Presidential Spokesman Harry Roque, dating Senador Jinggoy Estrada, dating Public Works Secretary Mark Villar, dating Defense Secretary Gilbert Teodoro, dating Quezon City Mayor Herbert Bautista at dating Senador Loren Legarda.

Paliwanag ni Duterte-Carpio, kaibigan niya ang anim na kandidatao kung kaya susuportahan niya ang mga ito.

Paglilinaw ni Duterte-Carpio, hanggang sa ngayon, wala pang opisyal na senatorial line-up ang kanilang tambalan ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

 

 

Read more...