Senador Bong Go naghain na ng withdrawal of candidacy sa pagka-pangulo

Pormal nang naghain ng withdrawal of candidacy para sa pagka-pangulo ng bansa si Senador Bong Go sa darating na 2022 elections.

Sakay ng taxi, nagtungo si Go sa tanggapan ng Commission on Elections sa Intramuros, Manila.

Ayon kay Go, mayroon siyang isang salita at tinutupad niya ito.

Sinabi ni Go na matagal na siyang desidido na umurong at naghahanap lamang ng tamang panahon.

Ayon kay Go, naghintay lamang siya ng kaunting panahon para ipaintindi sa kanyang mga taga-suporta ang pag-ayaw ng kanyang puso at isipan na tumakbong pangulo ng bansa.

Humihingi rin ng paumanhin si Go sa kanyang mga taga-suporta.

Bagama’t umurong na sa pagtakbong pangulo, sinabi ni Go na nakahanda pa rin siya na magserbisyo sa taong bayan sa abot ng kanyang makakaya.

 

 

Read more...