Sinabi ni Senior Citizen Partylist Representative Rodolfo Ordanes na nararapat lang na payagan na ang senior citizens, persons with disability (PWD) at ang mga nasa A-3 category na mag-walk in sa lahat ng COVID 19 vaccination sites.
Katuwiran ni Ordanes sa kanyang panawagan marami sa mga nabanggit na kategorya ang hindi ‘techie’ o hindi marunong sa online registration.
Diin nito nagsisilbi pang hadlang para dumami pa ng husto ang mga nababakunahang Filipino ang online portal registration.
“Ito marahil ang isa sa maraming dahilan kung bakit lagpas sa isang milyong senior citizens pa ang hanggang ngayon ay hindi pa rin nababakunahan ng kahit man lang first dose,” diin ng namumuno sa House Special Committee on Senior Citizens.
Mas malaki aniya ang bilang ng mga nakakatandang hindi pa nababakunahan sa mga lalawigan.
Diin pa ni Ordanes marami sa mga senior ang nawawalan ng gana na magpabakuna dahil kinakailangan pa nilang magpa-register online.
Inihalimbawa pa niya ang naging malaking problema ng Department of Social Welfare and Development (DS