Nanatiling good friends o magkaibigan ang China at Pilipinas.
Pahayag ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng sigalot ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea.
Sa Talk to the People ng Pangulo, sinabi nito na ang China ang tumulong sa Pilipinas nang walang wala ang bansa.
Halimbawa na ayon sa Pangulo ang bakuna kontra COVID-19.
Isa ang China sa mga pinakamaraming donasyon ng bakuna sa Pilipinas.
“And I’d like to remind everybody that when everything was down for us, it was China for whatever really is masabi nila about the relations of the Philippines and China, I would maintain that we are good friends and they were the first one to give us the vaccines. Iyong issue diyan sa West Philippine Sea ibang issue ‘yan at ibang issue itong pagkakaibigan natin sa kanila,” pahayag ng Pangulo.