56 porsyento sa college students sa bansa, bakunado na – CHED

Ibinahagi ng Commission on Higher Education (CHED) na sa 4,099,519 estudyante sa kolehiyo, 2,310,037 ang nabakunahan na o 56.41 porsiyento.

Bukod dito, ibinahagi ni Commission on Higher Education (CHED) Chairman Prospero de Vega na sa 292,969 teaching and non-teaching personnel sa higher education institutions (HEIs) ang naturukan na rin ng COVID-19 vaccines.

Aniya, 85.81 porsiyento sa kanila ang nakatanggap na ng first dose.

“I’d like to thank our universities for helping us rapidly increase our vaccination rate,” sabi pa ng opisyal.

Pinuri rin nito ang pamunuan ng mga unibersidad at kolehiyo sa pakikipagtulungan at mga hakbangin para mabakunahan ang kanilang mga kawani at estudyante.

Read more...