Wala sa 22 senador na dumalo sa sesyon ngayon araw ang tumutol sa House Bill 10373 para maggasta pa hanggang sa Disyembre sa susunod na taon ang 2021 national budget.
Sinabi ng mga senador na kapag naging ganap na batas ang panukala, magagamit na ng mga ahensiya ng gobyerno ang pondo na nailaan sa kanila sa taong 2021.
Ito anila ay para sa mga programa at proyekto at para matiyak na mapapakinabangan ito ng mga kinilalang benepisaryo.
Kinilala ng mga senador na dahil sa pandemya dulot ng COVID-19, naapektuhan din ang pagpapatupad ng maraming programa, proyekto at aktibidad ng gobyerno.
Una nang sinabi ni Majority Leader Juan Miguel Zubiri na sisikapin nila na maratipikahan ang bicameral conference committee report ng P5.024-trillion 2022 national budget bago ang Christmas break ng Kongreso.