Magnitude 5.3 na lindol, tumama sa Batangas

Tumama ang magnitude 5.3 na lindol sa Batangas, Lunes ng hapon.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 24 kilometers Southwest ng Calatagan dakong 5:12 ng hapon.

May lalim na 99 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Bunsod nito, naitala ang mga sumusunod na intensities:
Intensity 3 – Quezon City
Intensity 2 – San Felipe, Zambales

Instrumental Intensities:
Intensity 1 – Quezon City; Tagaytay City; Batangas City; Calatagan, Batangas

Walang napaulat na pinsala ngunit babala ng Phivolcs, maaring makaranas ng aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...