Bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas, patuloy ang pagbaba

Nasa 360 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Lunes (December 13), pumalo na sa 2,836,803 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 11,083 o 0.4 porsyento ang aktibong kaso.

4,292 sa active COVID-19 cases ang mild; 782 ang asymptomatic; 3,662 pasyente ang moderate; 1,948 ang severe habang 399 ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 61 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 50,341 o 1.77 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 519 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 2,775,379 o 97.8 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...