Pumalo na sa 270.43 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 270,430,922 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 50,801,455 cases.
Sumunod na rito ang India na may 34,697,860 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 22,189,867 naman ang kaso sa Brazil habang 10,819,515 ang napaulat na kaso sa United Kingdom.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Russia – 10,016,896
– Turkey – 9,040,179
– France – 8,258,692
– Germany – 6,530,912
– Iran – 6,154,813
– Argentina – 5,358,455
– Spain – 5,290,190
– Italy – 5,225,517
– Colombia – 5,093,534
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 5,322,088 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 243,147,177 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.