Naglabas ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng datos na nagdedeklarang, higit 23,000 barangays sa buong bansa ang libre na sa lahat ng uri ng ipinagbabawal na gamot.
Hanggang noong nakaraang Oktubre 31, 23,270 sa 42,045 barangays sa bansa ang idineklarang drug-cleared base sa Real Numbers data na inilabas ng PDEA sa pagsisimula ng administrasyong-Duterte.
Patuloy naman ang pagsasagawa ng mga operasyon laban sa droga ng PDEA, maging ng PNP para sa 12,125 barangays na may mga nagbebenta at gumagamit pa ng droga.
Kasabay nito, kabuuang 13,821 high value targets (HVTs) naman ang naaresto, bukod pa sa 3,785 target-listed suspects, 1,422 drug den maintainers, 795 drug group leaders/members, 509 government employees, 393 elected officials, 349 foreigners, 284 na nasa wanted lists, 124 uniformed personnel, 75 armed group members and 24 prominent personalities.
Sa kabuuan, 315,635 ang naaresto sa mga anti-drug operations at may 6,215 naman ang namatay sa ikinasang 218,665 operations.