Aabot sa 598 o kalahati sa 1,232 na health facilities at ospital sa buong bansa ang wala nang kaso ng COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, wala nang naisusugod sa ospital mula December 5 hanggang 9 dahil sa naturang virus.
Nangangahulugan ito na 48.5 percent ang walang kaso ng COVID-19 sa nakalipas na limang araw.
Ayon kay Vergeire, ang Calabarzon na may 92 na health facilities at ospital ang nanguna sa walang admission ng COVID-19 patiens at sinundan ng Central Luzon na may 88.
Wala ring pasyente ang naisugod dahil sa COVID-19 sa 49 mula sa 65 na ospital sa Soccsksargen (South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani at General Santos).
Sa Metro Manila, 39.2 percent o 62 mula sa 158 hospitals ang walang pasyente na naisugod dahil sa COVID-19.
Gayunman, mahigpit na minomonitor ng DOH ang Eastern Samar, Western Samar at Zamboanga Sibugay dahil sa positive one-week and two-week growth rates.
Nasa moderate risk ang Eastern Samar habang nasa low risk classification ang Western Samar at Zamboanga Sibugay.