Aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, patuloy ang pagbaba

Nasa 379 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Biyernes (December 10), pumalo na sa 2,836,200 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 11,905 o 0.4 porsyento ang aktibong kaso.

4,860 sa active COVID-19 cases ang mild; 757 ang asymptomatic; 3,797 pasyente ang moderate; 2,060 ang severe habang 431 ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 25 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 49,961 o 1.76 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 631 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 2,774,334 o 97.8 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...