Pangangaroling ng mga bata, aprubado ng DOH

Aprubado sa Department of Health (DOH) ang pangangaroling ng mga bata ngayong Pasko.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Health director Dr. Beverly Ho na dapat na siguraduhin lamang na bakunado ang mga bata na mamamasko.

Dapat din aniyang nakasuot ng face mask.

“Sa pangangaroling po, alam natin na kinakailangan ‘no bukod sa bakunado, kailangan po naka-wear ng mask, ‘di ba, kasi may chance pa rin po tayong makapag-spread ‘no. So as long as ginagawa naman iyon at may distancing, yes, okay lang po sa atin ‘no,” pahayag ni Ho.

Papayagan din aniya ng DOH ang street party.

“Pangalawa po, doon sa street party, siyempre kung sa street iyong party ay alam natin open air iyon, well-ventilated. Pero mahalaga rin po na alam natin iyong bilang ng tao ‘no na kaya lang i-accommodate sa lugar na iyon,” pahayag ni Ho.

“And for that, mayroon naman tayong kung outdoor area siya at nasa Level 2 tayo, 70% ‘no. So as long as kaya ng ating local authorities or ng organizers to make sure that that happens, na ma-enforce iyong mga guidelines na iyon, puwede ‘no. Pero kung wala tayong kapasidad to enforce those guidelines, sabi nga ni CabSec ‘no, we have to be equally accountable, then hindi po natin dapat pag-isipan pa ‘no any of these parties,” dagdag ni Ho.

Read more...