Pagtaas ng deployment cap para sa health workers na magtatrabaho abroad, pinayagan na

FILE PHOTO

Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force na itaas ang deployment cap para sa mga healthcare workers na magtatrabaho sa ibang bansa.

Batay sa inilabas na resolution 153 ng IATF, itinaas na sa 7,000 ang taunang deployment ceiling para sa nurses, nursing aides at nursing assistants.

Inisyal na itinakda ng DOLW ang 5,000 deployment cap, subalit nitong nagdaang Hunyo ng taon ay itinaas ito sa 6,500.

Gayunpaman, pansamantala itong sinuspinde matapos maabot na ang limit.

Ayon kay IATF spokesman at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, ang mga nurse na mapapaso ang visa sa December 31, 2021 ang bibigyan ng prayoridad o uunahing maproseso at mabigyan ng Overseas Employment Certificates o OES.

Read more...