Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, kasunod ng resolusyon mula sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID), pansamantalang ipagbabawal ang pagtanggap ng mga biyahero mula sa France.
“As with the other countries included in the ban, Filipinos coming in may return via government or non-government initiated repatriation and bayanihan flights,” saad ni Morente.
Ayon kay BI Port Operations Division Chief Atty. Carlos Capulong, epektibo ang ban hanggang sa Biyernes, December 15, maliban kung palawigin ng IATF-MEID.
Sa ngayon, ipinatutupad ang travel ban sa mga pasaherong magmumula sa 14 bansa: South Africa, Botswana, Namibia, Zimbabwe, Lesotho, Eswatini, Mozambique, Austria, Czech Republic, Hungary, The Netherlands, Switzerland, Belgium, at Italy.
Nagbabala naman si Capulong sa mga airline company na nagpasakay ng mga pasahero sa travel-restricted countries na maari silang mapatawan ng parusa sa Philippine Immigration Act.