Sinabi ni Robes na kung ang mga nasa kolehiyo ay pinapagayan lamang pumasok ang mga mayroon nang full vaccination status, mas lalo aniyang dapat protektahan ang mga mas batang estudyante na hindi pa bakunado.
Ayon sa kongresista, batid niya ang damdamin ng mga ina na nangangamba para sa mga anak kapag pumasok sa eskwela nang may banta pa rin ng virus.
Sa ngayon, wala pang vaccine manufacturer na nagsumite ng Emergency Use Application (EUA) para sa mga batang edad 5 hanggang 11.
Ayon kay Robes, kapag mayroon nang nagsumite ng applications ay dapat apurahin ng Food and Drug Administration (FDA) ang pag-aaral at pag-apruba sa mga bakuna lalo na iyong mga ginagamit na sa ibang bansa para sa nasabing age group.