Sen. Cynthia Villar kumikilos para sa paglago ng Philippine dairy production

Higit 99 porsiyento ng dairy requirement ng Pilipinas ay mula sa ibang bansa kayat patuloy ang pagsusumikap ni Senator Cynthia Villar na mapalago pa ang industriya.

 

Noong 2019, kinilala ni Villar ang 17 lugar para sa dairy development at naglaan siya ng P10 milyon sa bawat isa at ito ay ipinatupad ng Philippine Carabao Center.

 

Sinabi ni Villar na base sa mga pag-aaral, maganda ang hinaharap ng paggawa, distribusyon at paggamit sa mga kabahayan ng gatas mula sa kalabaw.

 

Binanggit lang din ng namumuno sa Senate Committee on Agriculture na malaking hamon pa rin sa ngayon ang kakulangan sa maasahang processing at distribution system, gayundin ng cold chain, para sa mga gatas ng kalabaw.

 

Ngunit dahil sa pagsusulong at pagsusuporta ni Villar, sa ngayon, may kabuuang 513 benepisaryo sa 24 lugar sa bansa ang nabigyan ng 1,226 kalabaw, na napagkukuhanan ng gatas.

Aniya ang mga gatas ay ginagamit sa school at community milk feeding programs matapos na rin pa-amyendahan niya ang Masustansyang Pagkain para sa Batang Filipino Act.

 

Nanawagan din si Villar ng suporta para sa National Dairy Authority (NDA), na mabibigyan ng karagdagang pondo sa ilalim ng Coconut Farmers and Industry Fund Act.

 

“The plan shall set the direction to increase productivity and income of farmers, alleviate poverty as well as rehabilitate and modernize the sector within 50 years. The Bureau of Treasury shall initially place ₱10 billion to the trust fund and augment the amount in succeeding years or on the second year: ₱10 billion; Third year: ₱15 billion; Fourth year: ₱15 billion and Fifth year: ₱25 billion,” sabi pa ni Villar.

Read more...