Pacquiao, bukas sa endorsement ni Pangulong Duterte sa 2022 polls

Bukas si presidential aspirant at Senador Manny Pacquiao sa endorsement ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa 2022 elections.

Pero ayon kay Pacquiao, sa ngayon wala naman silang pag-uusap ni Pangulong Duterte.

Sinabi pa ni Pacquiao na tatanggapin naman niya ang lahat ng mag-iindorso at lahat ng tao na naniniwala sa kanya.

Iginiit pa ni Pacquiao na unity o paglakaisa naman talaga ang kanyang isinusulong.

Noon pa man, sinabi ni Pacquiao na alam na ng Pangulo ang kanyang planong pagtakbo sa pinakamataas na posisyon sa bansa.

Read more...