Humingi ng sorry si presidential aspirant at Senador Manny Pacquiao sa mga motorista na naipit sa mabigat na daloy na trapiko dahil sa isinagawang motorcade sa Quezon City.
Ayon kay Pacquiao, nagpaalam naman siya sa lokal na pamahalaan, partikukar na kay Quezon City Mayor Joy Belmonte para sa motorcade.
Ayon kay Pacquiao, hindi niya inakala na marami ang makikisabay sa kanyang motorcade.
Tinatayang nasa 100 pulis ang nangasiwa sa daloy ng trapiko.
Matatandaang araw ng Miyerkules (December 8) lamang, nagsagawa rin ng motorcade sa Quezon City sina presidential aspirant Ferndinand “Bongbong” Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte.
Nagdulot ng matinding trapik ang motorcade nina Marcos at Duterte.
Nabatid na hindi rin nakipag ugnayan ang kampo ni Marcos sa lokal na pamahalaan ng Quezon City.