PNP, kinondena ang pag-atake sa isang mamamahayag sa Samar

Bumuo ng isang task group ang Philippine National Police (PNP) sa Eastern Visayas upang maimbestigahan ang pamamaril sa mamamahayag na si Jesus Malabanan sa Calbayog City, Samar.

“The PNP is doing its best to immediately identify and arrest the person responsible for Malabanan’s death. I instructed the Regional Director of Police Regional Office 8 (PRO8) to create a Special Investigation Task Group to expedite the resolution of this case,” pahayag ni PNP Chief, General Dionardo Carlos.

Binubuo ang SITG ng investigating teams mula sa Regional Criminal Investigation and Detection Group, Forensic Group, Regional Intelligence Unit, at Calbayog City Police Station sa ilalim ng pamamahala ng Deputy Regional Director for Operations ng PRO-8.

Base sa inisyal na ulat, nakatanggap ang Calbayog City Police Station ng isang random call ukol sa pamamaril sa bisperas ng December 8, 2021.

Lumabas na inisyal na imbestigasyon na nanonood ng telebisyon ang biktima sa loob ng kaniyang tindahan nang bigla siyang atakihin at barilin ng gunman.

Nahirapang matukoy ng mga saksi ang suspek ngunit nakita itong tumakas gamit ang motorsiklo kasama ang isang kasabwat.

Agad nagkasa ng checkpoint operations sa exit points ng naturang bayan para maharang ang mga suspek.

Sa ngayon, nakakuha na ang SITG ng kopya ng CCTV footage na maaring makatulong sa imbestigasyon.

“We understand the call of the family and different groups to expedite the investigation of the case. These requests will not fall on deaf ears. Establishing the motive of the case can help us in going to the bottom of this. We just need the cooperation of the witnesses,” saad ni Carlos.

Nakikipag-ugnayan ang SITG sa pamilya ng biktima kasabay ng napaulat na nakatanggap ng mga banta sa kanyang buhay dahil sa propesyon.

Read more...