Lagpas 5.29 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.
Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 5,295,199 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 813,904.
Sumunod na rito ang Brazil na may 616,298 na pumanaw bunsod ng pandemiya.
Nasa 474,111 naman ang death toll sa India habang 295,893 ang napaulat na nasawi sa Mexico.
Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Russia – 284,823
– Peru – 201,490
– United Kingdom – 145,987
– Indonesia – 143,909
– Italy – 134,472
– Iran – 130,446
– Colombia – 128,929
– France – 120,032
– Argentina – 116,708
– Germany – 104,932
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 268,117,029 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nasa 241,320,431 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.