Pacquiao, tikom ang bibig kung iboboto sa pagka-senador si Pangulong Duterte

Photo credit: Sen. Manny Pacquiao/Facebook

Tikom ang bibig ni presidential aspirant at Senador Manny Pacquiao kung iboboto sa pagka-senador si Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022 elections.

Sa pangangampanya ni Pacquiao sa Quezon City, sinabi nito na saka na lamang niya sasabihin kung ibinoto niya o hindi ang Pangulo pagkatapos ng eleksyon sa Mayo 2022.

Kasabay nito, sinabi ni Pacquiao na bukas ang kanyang hanay kung nanaisin ng Pangulo na sumama sa kanyang senatorial slate.

Umaasa si Pacquiao na makukuha niya ang pag-iindorso at basbas ng Pangulo.

Bukas naman si Pacquiao na makipag-usap sa Pangulo.

Read more...