Ugat ng pagkamatay ni Jonel Nuezca inaalam pa rin ng NBI

Lumabas na ang inisyal na ulat ng National Bureau of Investigation (NBI) kay Justice Secretary Menardo Guevarra ukol sa dahilan ng pagkamatay ng dating pulis na si Jonel Nuezca.

 

Ayon kay Guevarra. ‘cardiac arrest’ ang ikinamatay ni Nuezca base sa preliminary report ng NBI.

 

Ngunit paglilinaw agad ng kalihim hihintayin pa ang resulta ng laboratory at histopathological examinations na isinagawa para matukoy ang partikular na sanhi ng pagkamatay ng dating pulis.

 

Magugunita na noong Nobyembre 30, bigla na lamang umanong bumagsak sa kanilang dormitoryo sa National Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City si Nuezca.

 

Tatlong buwan pa lamang itong nasa pambansang-piitan matapos mahatulan  sa kanyang pagpatay sa mag-inang Sonia at Frank Anthony Gregorio dahil sa simpleng alitan noong Disyembre 2020.

Read more...