Isa pang punong barangay sa Nueva Ecija itinumba

ES MUNCAL FACEBOOK PHOTO

Namatay sa ospital ang isang punong barangay sa Sta. Rosa, Nueva Ecija na pinagbabaril ng mga hindi nakilalang salarin kagabi.

Ang 52-anyos na si Emiliano Muncal, ng Barangay Inspector, ay nagtamo ng mga tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan.

Base sa paunang ulat, kauuwi lamang ni Muncal mula sa barangay hall at ipinaparada ang kanyang motorsiklo sa tapat ng kanilang bahay alas-7:19 nang lapitan at pagbabarilin ng mga salarin.

Naisugod pa sa ospital sa Cabanatuan City ang biktima ngunit binawian ng buhay habang ginagamot.

Nakita naman ang mga salarin na tumakas patungo sa Sta. Rosa – Tarlac Road.

Noong nakaraang Nobyembre 5, pinatay din si Punong Barangay Zoilo de Belen ng Barangay Lambakin sa bayan ng Jaen, sa nasabi din probinsiya.

Read more...