Sen. Manny Pacquiao: Magagandang proyekto ng mga nakalipas na administrasyon dapat ituloy

Sinabi ni presidential aspirant Senator Manny Pacquiao na isa sa mga dahilan kayat hindi umuusad ang bansa ay dahil napuputol kahit ang magagandang programa at proyekto ng mga lumilipas na administrasyon.

Ito rin ang dahilan aniya kayat patuloy na nakalubog sa panlabas na utang ang Pilipinas.

Diin niya kapag siya ay pinalad siya na manalo bilang susunod na pangulo ng bansa, itutuloy niya ang lahat ng mga magagandang proyekto na napapakinabangan ng mamamayan para walang nasasayang na pondo ng bayan.

“Pinakabilib ako sa mga  hindi pinababagsak ang bansa. Nagsa-suffer ang mga tao kasi mas malaki ang utang at gastos natin keysa sa kita. Dapat mas malaki ang kita keysa sa utang,” aniya sa isang panayam.

Binanggit na nito na utang nang utang ang gobyerno para sa mga programa at proyekto, ngunit hindi naman itinutuloy ng mga sumusunod na administrasyon kayat nababaon ang utang ang Pilipinas.

Sinabi pa ni Pacquiao na ginagawa ito ng mga naka-upo sa gobyerno dahil lamang sa pulitika at hindi pinag-aaralan ng husto ang pakinabang sa mamamayan.

“Meron akong long-term plan para sa bansa. Pag long –term plan hindi 3 or 6 years lang. Dapat 30 to 50 years,” sabi pa nito.

Read more...