Las Piñas LGU, DA nagkasundo para sa Kadiwa Food Supply Chain Program

Para matiyak ang suplay at madaling pagbili ng mga pagkain, nakipakasundo ang pamahalaang-lungsod ng Las Piñas sa Department of Agriculture (DA) para sa paglulunsad ng Enhanced Kadiwa Inclusive Food Supply Chain Program.

Ayon kay Mayor Imelda Aguilar nakasaad sa kasunduan ang pagbibigay ng DA ng financial grant assistance sa mga lokal na pamahalaan at organisasyon para mapalakas pa ang kanilang kapabilidad sa mga proseso ukol sa food supply chain, mula sa aggregation, processing, warehousing, storage, transport hanggang sa distribusyon.

Dagdag pa niya, base sa memorandum of agreement (MOA), bibigyan ng pondo ang ilang nagtitinda sa dalawang Kadiwa Stores sa lungsod para sa pagsasaayos ng kanilang tindahan.

Aniya tatanggap ng tig-P1 milyon ang Pagsasarali Talipapa Multi-purpose Cooperative and the Las Piñas Meat Dealers Association mula sa DA.

Sinabi naman ni Vice Mayor April Aguilar ang pagpapalabas ng pondo sa pagpapatupad ng Enhanced Kadiwa ni Ani at Kita Financial Grant Assistance Program ay gagawin ayon sa mga project proposal at work and financial plans.

“On our side, the city’s obligation is to implement the approved project and shall see to it that it will be in accordance with the approved project objectives, standards, systems and procedures for project implementation, and the approved Work and Financial Plan contained in the agreement,” sabi pa nito.

Read more...