Natanggihan na partylist groups may hirit pa – Comelec

Maari pa naman umapila ang mga partylist groups na hindi tinanggap ang pagpapa-rehistro sa Commission on Elections (Comelec).

Sinabi ni Dir. James Jimenez, ang tagapagsalita ng Comelec, may mga legal na pamamaraan naman sa pag-apila ng mga partylist groups.

“There are legal remedies for this. Rallying in the streets is probably not a legal remedy. I am sure they have counsels and they can pursue these remedies. They should if they feel aggrieved. If they feel that we have shortcomings, then they should file the necessary pleadings,” sabi pa ni Jimenez.

Unang nagprotesta ang  Nurses United at Guardians sa labas ng punong tanggapan ng Comelec dahil sa pagkabasura ng kanilang motion for reconsiderations ng kanilang petitions for registration.

Dagdag pa niya maaring humirit ng status quo ante order (SQAQ) sa Korte Suprema ang partylist group.

Paliwanag pa ni Jimenez sakaling makakuha ng SQAQ ang grupo pagkatapos mai-raffle ang mga numero na ibibigay sa partylits groups, ilalagay sila sa dulo ng listahan base sa numero o unang letra ng pangalan ng kanilang grupo.

Read more...