Nangangailangan ng dagdag na tauhan ang Philippine Coast Guard.
Sa budget hearing ng Senate Committee on Public Services, sinabi ni PGC Deputy Commandant for Administration Vice Admiral Oscar Endona Jr. na kailangan ng kanilang hanay na magkaroon ng kabuuang 75,000 na personnel.
Sa ngayon, nasa 21,000 lamang ang personnel ng PCG.
Paliwanag ni Endona, kailangan na magkaroon ng isang personnel kada ldawang coastal kilometer.
Sinabi naman ng Department of Budget and Management na mangangailangan ang PCG ng P39 na bilyong pondo para sa target na 75,000 na personnel.
Nasa P14.2 bilyon lamang ang budget ng PCG para sa General Appropriations Act for 2021.
MOST READ
LATEST STORIES