356 na bagong kaso ng COVID-19, naitala sa Pilipinas

Aabot sa 356 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bansa.

Base sa talaan ng Department of Health, nasa 2,835,345 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa naturang bilang nasa 871 ang gumaling.

Aabot naman sa 92 ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 0.5 percent 0 13, 206 ang aktibong kaso, 97.8 percent  o 2,772,728 ang gumaling at 1.75 percent o 49,591 ang bilang ng mga nasawi.

Dalawa sa mga laboratory ang hindi operational noong Disyembre 5, 2021 habang anim na laboratory ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Docuument Repository System.

Read more...