Umabot sa 10.2 milyong katao ang nabakunahan kontra COVID-19 sa extended National Vaccination Day.
Sa Talk to the People, sinabi ng Pangulo, na tagumpay ang “Bayanihan, Bakunahan” na isinagawa noong Nobyembre 28 hanggang Disyembre 1 at kalaunan ay pinalawig ng hanggang Disyembre 3.
Target ng pamahalaan na mabakunahan ang may 9 na milyong katao sa “Bayanihan, Bakunahan.”
Ikinasa ang naturang programa sa gitna ng banta ng bagong variant ng COVID-19 na Omicron.
Umaasa ang Pangulo na ngayong malapit na ang Pasko, tuloy-tuloy na ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Himala aniya na sa Pilipinas wala pang problema sa Omicron variant gayung sa ibang bansa ay malaki na ang kanilang problema.
Patuloy na nanalangin ang Pangulo na hindi sana makapasok sa bansa ang Omicron variant.