GSIS nag-aalok ng computer loan para sa online classes, work from home

Inilunsad ng Government Service Insurance System (GSIS) ang isang loan program para makabili ang kanilang miyembro ng computer units para sa work from home arrangement at online classes ng kanilang anak.

Sa GSIS Computer Loan, hanggang P30,000 ang maaring mautang para pambili ng laptop o desktop computer.

Maaring bayaran ang loan ng tatlong taon na may interes na anim na porsiyento kada taon.

Nabatid na P983.33 kada buwan ang kailangan bayaran ng miyembro.

Maaring kumuha ng computer loan ang mga aktibong miyembro na nakapagbayad na ng kanilang premiums ng tatlong buwan, permanente ang appointment o regular sa posisyon, walang nakabinbing administratibo o kriminal na kaso, walang binabayarang loan, maliban sa housing loan at hindi naka-leave of absence without pay.

Read more...