Relasyon ng national athletes, sports organizations dapat plantsahin – de Lima

Sinabi ni Senator Leila de Lima na para na rin sa kapakanan ng bansa, kailangang maayos na ang lahat ng gusot sa pagitan ng mga pambansang atleta at national sports organization.

Diin ng senadora, ito ay para na rin sa kapakanan ng mga atleta kayat inihain niya ang Senate Resolution No. 955 para mahimay at malaman nang husto ang nangyari sa pagitan nina national pole vaulter EJ Obiena at Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA).

“National athletes are a source of national pride. Whenever they compete and excel, they become beacons of hope and inspiration to hundreds of millions of Filipinos to never give up on their dreams,” sabi ni de Lima.

Dagdag pa nito, kinakailangang rebyuhin ang guidelines at procedures para matiyak na ang mga katulad na insidente ay hindi na mauulit para na rin sa mga atleta.

Dagdag pa ng senadora, kailangan kumilos na rin ang Philippine Sports Commission (PSC) para maayos ang isyu sa pagitan ni Obiena at ng PATAFA.

Naniniwala din si de Lima na dapat alisin sa mga atleta ang mga administratibo upang makapag-focus sila sa kanilang pagsasanay.

“Gabay, insentibo at dagdag na suporta ang kailangan ng ating mga atleta na maghihikayat pa sa marami sa kanilang ibuhos ang lakas at talento, hindi mga banta na magpapawala sa kanila ng inspirasyon at ganang magpatuloy,” aniya.

Read more...