Ayon kay Go, matindi ang pangangailangan para mapagbuti ang sistemang pangkalusugan sa Pilipinas.
“The more we invest sa ating healthcare system, the better. Dapat po ay maging proactive po tayo. Huwag na tayong maging kumpiyansa. Noong nangyari sa atin, nabigla tayo. Sino bang mag-aakala?,” sabi nito.
Ang naiisip niyang ‘super hospital’ ay katulad ng Philippine General Hospital (PGH) at binanggit pa nito ang pagkakaroon ng sapat na pondo para sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM), na aniya ay napakahalaga ng bahagi sa gitna ng pandemya.
“Kung maaari po magkaroon tayo ng super center na complete parang mega regional hospital in each region. Halimbawa, Metro Manila kung may PGH na maganda, kumpleto nandiyan ang pasilidad lahat–operasyon, heart, lahat kumpleto,” dagdag pa ng namumuno sa Senate Committee on Health.